
Paghanga sa English - Admiration
Isinulat ni Lawrence R. Gonzales
May 23, 2019 - 9:03 pm
Ang iyong mga matang marikit,
Kapag sa akin ay tumitig
Mga mata ko'y ayaw ng pumikit
At ang puso ko ay tila nakawit.
Kung minsan nais kong umawit
Kaya lang di maganda aking tinig
Bakit ba ganito ang pag-ibig
Labis akong naliligalig.
Ang puso ko'y gustong mangusap,
Ngunit sa bibig ko'y walang lumalabas na pangungusap,
Gusto ko sa iyo'y makipag-usap,
Upang magandang sandali ay malasap.
Kay ganda ng iyong ngiti,
Sana ito'y manatili,
Kung ang puso ko ay magkukubli,
Sa iyong likod ako ay tatabi.