Pulubi


Pulubi
Isinulat ni Lawrence R. Gonzales
Mach 11, 2011

Isang pulubi sa kalsada
Naghihintay abutan ng barya
Wala na siyang pamilya
Na tutulong sa kanya.

Gusto mo s'yang tulungan
Pero sa paanong paraan
Wala kahit konting kayamanan
Bigyan mo lang kahit hapunan.

Ang kanyang tulugan
Gilid ng simbahan
Ang kanyang tahanan
Malawak nitong bakuran.

Butas-butas na damit
Parang basahan pinag kabit-kabit
Namamalimos sa gitna ng init
Kanyang balat parang napupunit.

Iyong pagmasdan kanyang katandaan
Dapat nating kaawaan
Araw-araw pinagtatabuyan
Nakakatakot ding maranasan.

Post a Comment

Previous Post Next Post